BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

"BUS"

Sunday, July 31, 2011
Nakatulala; nakapalong-baba; umaawit ng tugtuging pang'old school; nakasuot ng kupas na jeans at college shirt; habang ang buhok na tumatakip sa kanyang mukha ay mistulang koreana ang datingan. Nakita ko siya noon. Alam kong may gumugulo sa kanyang isipan. Alam kong may problema siya. Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos eh wala nang oras na hindi ko siya nakikitang masaya. Pagpasok mo pa nga lang ng classroom, maririnig mo na ang mataginting niyang tawa. Ang babaeng yon.. ang unang tao na tumawag sakin sa aking unang pangalan.. ang taong kinaayawan ko.



Umaga noon. Bagamat unang araw iyon ng aking buhay kolehiyo, nananatiling tikom ang aking bibig. Wala akong ibang napapansin kundi ang mahalimuyak na amoy ng pabango. Ang pabango na halos ikasuka ko dahil sa sobrang tapang nito. "Ano ba yan! Kababaing tao talo pa ang lalake kung magpabango!" bulong ko saking sarili. Nakakairita! Isama pa itong lalakeng katabi ko na feeling celebrity. Kulang na lang eh ipagsigawang "IBOTO NIYO KO CLASSMATES ha? ^^" ------------ Ayoko ng maingay! kaya siguro nakakapanggigil talaga kung naririnig ko ang boses niyang mala-Majin Boo. Weirdo. Oo weirdo ako. Ayoko ng maingay. Ayoko ng nonsense. Ayoko ng mayabang lalo na yung kung umasta kala mo mautak, hindi naman pala. Ayoko ng taong palatawa dahil hindi lahat ng problema tinatawanan. Ayoko rin ng mga taong madaya. Yung mga taong napakakapal ng .. kung tawagin ng iba.. "APOG". Ang dami kong ayaw pero lahat ng yun, maiengkwentro mo sa seksyong kinabibilangan ko.




"Ikaw ba si Marlon?" tanong niya.. sa kaswal na ayos.

"Yup. Why?" nasabi sa pagkagitla..

"aaah.. Marlon Javier right? ahmm... may relatives ka ba sa Bulacan? May kamag-anak ka bang Leslie? yung magaling kumanta?"

"Nope. Bakit?"

"aaah.. I see.. taga-Bulacan kasi ako. May ka-apelyido ka kasi samin. Kaya akala ko may relatives ka dun o kaya taga doon ka" mahaba niyang paliwanag.

"Ah. I see. Taga-Novaliches ako eh. Hindi ko kilala yung tinutukoy mo."

"Aah.. okey. Sensya na.^^"



Saglit na tumigil ang oras ng buhay ko. Hindi dahil sa na-love at first sight ako, (na talaga namang hindi ko pinaniniwalaan), kundi, dahil .. EWAN! Sari-saring emosyon ang naramdaman ko. Pagkagitla, dahil, siguro.. amm.. paano ba? dahil sa feeling close siya? mm.. OO! feeling close yung term na yun. Grabe. First day of school h nagagawa na niyang makipag-usap sa mga taong hindi niya kilala? siguro isa rin akong BOTO kung sakali mang siya'y tatakbo ng pagka-presidente. Tsk. Mga tao nga naman. Bakit kailangan pang gumamit ng kapwa nila para sa sariling kabutihan? Tsk. Pero kung tutuusin, may mali ako. Ewan ko kung mali ba, pero, masasabi kong, para sa ikakabuti ko din yun. Sinabi ko kasing hindi ko kilala yung taong tinutukoy niya, kahit ang totoo, eh, TOTOO naman talaga. Pinsan ko si Ate Leslie. Wala akong ate kaya para sakin, siya ang biological ate ko. Sana lang hindi niya malaman yun.. na ate ko ang Leslie na kilala niya. Kung hindi.. tsk.



Akala ko, yun na ang huling pakikipag-usap ko sa taong mala-bakla ang aura. Sa totoo lang, hindi ko naisip na hahantong siya sa ganito. Dati kasi, nung first year - first sem, eh parang gangster ang datingan niya. Biruan mo namang magsuot ng maluwag na t-shirt at magsuot ng kupasing pantalon? anong iisipin mo? kung hindi, gangster eh, aakalin mo siyang may fraternity. Tsk. Nakakaloko! Ngayong 2nd year na kami, heto't model-modelan naman ang trend niya sa buhay. De-heels, de-pilantik ng daliri, de-makeup, de-kolores ang suot at.. ano pa ba? bukod s mukha e wala ng nagbago sa kanya. MAINGAY pa din siya sa harap ng mga kaibigan niya at tameme sa harap ng mga Prof namin. Ilang beses ko na rin siya naging kagrupo sa iba't ibang activities, projects, at subjects. Masipag naman siya, maaasahan, pero kulang. Nakukulangan ako sa effort niya. Mali-mali pa taktika niya sa pag-aaral at.. ang matindi.. na lagi naman komento ng iba pa naming classmate.. lagi siyang LATE! kahit na ata pang-hapong subject namin eh kinaleleytan pa niya. Pero, kahit nagka-tres siya sa history, nagka-inc sa iba pang subject, ayon at lagi ko pa din siyang nakikitang nakatawa.At kung makatawa siya, wagas na wagas na parang bading! kaya walang taong hindi mahahawa sa tawa niyang parang trumpeta sa tenga. Maliban na lang kung tulad kita na hindi natatawa sa ganon kababaw na istilo.. but sooner, napapansin ko ang unti-unting pagbabago sa sarili ko mula ng mapalapit ako sa kanya.


Lumapit siya sakin noon. Sa mga oras na yon, kausap ko ang isa sa mga kaibigan niya. At dahil nga shy-type ang turing niya sakin, eh, ganon na lamang namilog ang mga mata niya. Napatakip ng bibig at gumawa ng issue. Nakakainis! napakahilig niyang gumawa ng issue! Yung tipong pang-showbiz talaga! Maraming issue na ang nagawa niya.. mapablind item, editoryal at news head, lahat pumapatok sa mga daldalera. Nagkaaway na rin kami before. Hindi dahil sa issues, kundi, dahil sa panghahablot niya ng paborito kong damit. Yun ang unang beses na nag-away kami. Away ng maituturing yun dahil sa isang buong semestre eh, hindi kami nagpansinan. Ni "hi", "hello", ngiti eh wala. Mag-uusap kami ngunit isahang salita lang ang sagot. Pero syempre, lalake ako at ayokong ituring na kaaway ang isang babae kaya, ako na ang unang gumawa ng move. Binagyan ko lang siya ng malupet na jokes, na ewan at tumawa siya ng lubusan kahit na ako, sa sarili ko ay nagulat na ganon lang pala kadali na patawanin siya. Nagkatawanan kami. Nagkausap-usap ng mga bagay bagay nang bigla siyang humirit ng SORRY. Hindi ko inaasahang marunong din palang mag-sorry ang ma-pride na yon. Sa simpleng salitang iyon nagsimula ang closeness namin. Kung gaano siya natawa sa mga mais kong jokes, eh ganoon din siya humagulhol sakin ng mabigyan ko siya ng payo. Marami na kong alam sa kanya. Ikaw ba naman, padaanan ng journalistic GroupMessage via SMS, ewan ko lang kung hindi mo masubaybayan ang buhay niyang mala-roller coaster. Para siyang bukas na libro na nagsusulat ng sarili niyang kuwento. Kada pahina, iba-iba ang bida, kada tsapter, milyon ang moral lesson. Nakakatuwang isipin na kung sino pang kinaiinisan ko eh siya pa palang magiging closest friend ko.




Dito sa bus.. sa bus na suki na niyang sakyan. Ang lugar na kung saan, nalaman niyang pinsan ko si Ate Leslie; ang sasakyang minsan ko na nga lang sakyan eh siya pang nakakasabayan; ang sasakyang nagpapaalala sakin ng lahat ng tungkol sa kanya;  ang munting lugar na kung saan, una kong nalaman ang problemang pumapatay sa kanya. Problemang nagpasuko sa kanya. Problemang tumalo sa lahat ng determinasyon, diskarte, motibisyon at kaligayahan niya. Hindi ko alam kong matutuwa nga ba ako dahil sakin niya unang sinabi ang problemang yon. Matindi pa sa incomplete grades, terror profs, 3 sa history, at expectation ng parents niya.. ang sakit na LEUKEMIA. Sa huling pagkakataon, ginawa na naman niyang sirko ang pag-ikot ng buhay ko. In short, MIXED EMOTIONS. Natutuwa akong malamang sakin niya sinabi iyon pero laking lungkot ko dahil .. yun na din pala ang huling sekreto na masasabi nya sakin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ng mga oras na yon. Hindi ko alam kung anong tactics ang nararapat sa sitwasyong iyon.



Sa tatlong buwan ng chemotheraphy niya, ang dating chubby na pangangatawan, eh ngayo'y naging buto't balat na lang. Wala na ' kong balita tungkol sa kanya mula ng gabing iyon na nagkausap kami sa bus. Hanggang isang text ang natanggap ko.. wala na siya. Labis akong naapektuhan. Pigil ang luha ko habang binabasa ang ginawa niyang tula para sakin. Alam niyang misteryoso ako. Ni hindi niya alam ang araw at taon ng kapanganakan ko pero magpaganun pa man, hinanda niya pa rin ang regalong iyon para sakin. Nakakatuwa. Hindi ko inakalang i-a-appreciate niya ang existence ko sa mundo.. na kahit ganito ako, eh tinanggap at minahal niya kung anong meron ako na kailanman, hindi nasagi sa isipan ko. Ayoko kasing mag-assume at mag-expect. Pero sana.. kung nasaan man siya, sana malaman niya ang nilalaman ng isip ko ngayon.. mga salitang ayokong bigkasin at aminin.. mga katagang alam ko na alam niya kung anong ibig sabihin.. sa tema at paksa ng istoryang ito. Sana lang, sa biyahe niya papuntang langit, makadaan man lamang siya sa computer shop para mabasa ito at ipabaon ito sa kanyang alaala.

0 comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.

...


Pwede Ba - Soapdish Mp3
Musicaddict.com