Hindi ako mahilig maglaro o magsurf sa mga Social Networking Sites. Panganay ako sa anim na magkakapatid and serves as their parent. Yup! were left alone. Ulila na kami both sides. 3rd year IT student sa umaga, waiter sa gabi plus additional repair job every weekends.. ALL-IN-ONE PARENT ika nga. At dahil mabilis ang pagtakbo ng henerasyon, nakibagay at umayon ang daily routine ko sa advanced technologies ng mundo. Isa na doon ang CELLPHONE. Hindi ko hilig ang magpipindot, magtext o magtatatawag pero dahil kay Alena, katrabaho ko, natuto ako. Si Alena, some of my colleagues, at mga kapatid ko.. Sila at sila lang ang bidang karakter sa munti kong gadget.. bukod doon, wala na hanggang makatanggap ako ng isang mensahe..
"WRONG SENT" sabi ko. Isang napakahabang text message na puro kadramahan. Kung titignan, isang demanding at egotistic ang sender na yun na para bang siya lang ang may problema sa Earth. Gusto ko sana siyang replayan, bigyan ng advice, at i-comfort, ngunit, wag na lang.. saka na lang. Nagdalawang isip ako baka kasi tarayan ako o masabihan pang busybody or a gossiper kaya .. pinabayaan ko na lang. Ilang gabi pa ang nagdaan, namalayan ko na lang ang sarili kong nagbabasa ng kanyang mga telenovelang GM. Nakakainis, nakakatuwa, nakakalungkot, nakakaiyak, nakakatawa ---------- yan ang tema ng GM's niya na ewan at may kung anong bagay nahumihila sakin upang basahin iyon isa-isa. Naging hobby ko na nga ang pagbabasa ng GM's niya pagkagaling ng school at work. Para na rin akong nakasubscribe sa TXT ZONE ng isang buhay-artista hanggang.. dala ng curiousity, nai-text ko ang isang tanong.. mm.. marapat siguro kung sasabihin kong isang command.. "DESCRIBE YOURSELF NOT BY APPEARANCE."
Suwerte nga siguro dahil nung mga araw na yun, eh nasumpungan kong hindi siya badtrip. Hindi ako napahiya. Sinagot niya ang text na yon. At dun nagstart ang precious friendship namin. Hindi nagtagal at naging CLOSE kami. Nagkakilala ng malaliman hanggang dumating sa point na higit pa sa kaibigan ang turingan namin sa isa't isa. M.U. o Mutual Understanding na nauwi sa Mahigit pa sa Understanding. Isang pagkakaibigang nauwi sa isang relasyon. Gustong-gusto niyang mag-meet kami kaso ayoko. Busy ako sa trabaho, hectic ang schedule at family-oriented ako. At lahat ng reasons ko eh nauunawaan naman niya at pabor din naman sa kanya. Maswerte ako sa pagkakaroon ng tulad niya. Isang maaalalahanin, sweet, matalino, sociable, matino at walang bisyong babae. NBSB pa! All-in-one package ika nga. Hindi naman sa ayoko siyang makita o kaya'y wala akong time para makasama siya, pero, may mga bagay ang pumipigil sa'kin. Mga kadahilanang bumabagabag sa'kin. Isa na roon ang TAKOT.. Takot ako sa maraming bagay, sa maraming di mapaliwanag na dahilan and one of my reasons kung bakit takot ako ay dahil sa.. MAHAL KO SIYA. Oo magulo ngunit may ilang bagay na sadyang hindi ko kaya at di ko kakayanin na sabihin sa harap niya dahil sa mahal ko siya at ayokong masira ang lahat ng pagmamahal at tiwala niya sa'kin dahil hindi ko kaya. Hanggang sa umabot kami ng isang taon..
APRIL 15, 2006. First Anniversary namin. Ang araw na kung kailan, malalaman na niya ang dapat niyang malaman ngunit, sa araw na yon, ni isang hi o hello ay wala. Kahit GM o greetings ay wala rin. Mahigit singkwentang text messages na ang nasend ko ngunit ni isang reply ay wala talaga. Naghintay ako. Nag-alala. Natuliro. Nagsimula na 'kong matakot. Baka ito na ang kinatatakutan kong part.. ang iniiwasan kong scene ay marahil, nagaganap na.
11:58 PM .. nagtext siya. Isang "SORRY." ---------- all caps at isang malaking tuldok lang ang natanggap ko kasabay ang mensaheng sadya kong ikinagimbal..
"I'm SORRY. I'm really, really, really SORRY kung pinatagal ko pa ang bagay na to. Di q namalayan ang lht. Lht ng pgkakamali q. Lht ng kabulagan q.. sa TAMA at DAPAT.. Ngng tanga aq.. ngng sakim.. aamin na q.. dhl ayoko ng lokohin ka pa.. "BI" aq.. 3RD SEX! GAY! BADING! Alagad ni BEKIMON! Sorry if niloko kta 4d whole time! pero sa lht ng kacnungalingan q, isa lng ang totoo.. MAHAL KTA! Slmat sa lht lht! Sa alaala.. sa saya.. sa advice.. I'll never 4get u.. TC always.. I love you.. GOODBYE"
SPEECHLESS. Nawala panandalian ang isipa't katinuan ko,. Di ko alam kong matutuwa ba ko o magagalit. Matuwa dahil pareho kami ng kalagayan o magagalit dahil pareho kaming nagkalokohan. OO! Isa rin akong BISEXUAL! LESBI! TIBOLI! o mas popular sa katawagang TOMBOY! Pusong ADAN sa katauhan ni EBA. Isang babaeng napamahal sa inaakalang KAPWA. Nagpakasakim ako sa pag-ibig. Nakakatuwang isiping bibiruin ako ng ganito ng tadhana. Isang birong tagu-tagusan sa buto maging sa kaluluwa.. isang birong di ko makakalimutan.. ang aking FIRST LOVE!
Apat na taon na rin ang lumipas, natutunan kong kalimutan ang nakaraan, at ngayon, sa pinakamemorableng araw ng kapatid ko, ang Graduation Day, ang dahilan ng muling pagbabalik ng multong pilit kong inalis sa realidad kong mundo. Muling nag-krus ang landas namin sa pamamgitan ni Alena. Magka-batch ang mga kapatid namin kaya't napasama ako sa selebrasyon nila. Tulad ng dati, hindi pa rin ako sanay sa mga party at lugar na maraming tao. Lumabas ako. Sa terrace. Sa malamig na simoy ng hanging humampas sa'king mukha, ay may munting musika ang tilang naglalaro sa'king pandinig. Isang pamilyar na kanta.. kanta buhat sa boses ng isang lalake. Lumingon ako. Isang lalakeng naka-headset ang kumakanta ng awitin na pilit inaalala ng aking isipan. Lumabas noon si Alena. Hinampas-hampas at kinulit-kulit ang lalake na noo'y napansin din sa wakas ang aking presensya.
"Oh Max! Andito ka pala. Nakoo.. ngapala.. I want you to meet my long-lost-friend, Miel. And Miel, She's my long-lost-colleague, Maxene.. she used my sim before.. so I guess.. imposibleng hindi kayo magiging magkatxtmate nun dahil you really love to send GM's in your PB. Well, maiwan ko muna kayo ha? I need to prepare your favorite SPAGHETTI ^^v hehe.. good thing.. favorite din yun ni Max :)"
Matapos nun, umalis na si Alena at inwan kaming nakatitig sa isa't isa. Pagtataka, katanungan at pagkawalang emosyon ang rumehistro saming mukha. Walang makuhang salita.. ni a,e,i,o,u ay wala. Hanggang tumunog pareho ang aming mga selepono..
"REMINDER: HAPPY 4TH ANNIVERSARY MY 1ST LOVE!"
0 comments:
Post a Comment