BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

PUTANG INA ..

Friday, December 3, 2010

Maraming nagtatanong kung paano nga ba maging isang ina. Kung ano nga bang feeling nun, masarap ba o masaklap?  Tulad na lamang ng commercial sa tv.. Paano raw ba ang maging isang ina? Maging isang mabuting ina? Paano nga ba magpalaki ng isang anak? Magpalaki ng isang mabuting tao? Ako? Kung ako ang tatanungin ang sagot ko’y “Ma!” ------- Malay. Malasia. Wasabe. Idk. Dunno. AHHH-UHHMM!!



 Ako si Joy. Kilala sa pangalang “LIGAYA” pagpatak ng alas-dose. Labandera sa umaga, palasak sa gabi. Isang ina ngunit walang asawa. Hindi ako nakatapos ng bachelor degree. Grade six lang ang titulong meron ako bukod sa pagiging puta. Oo. Puta ako. Prostitute, salot, kabet, pokpok at ibong mababa ang lipad. Kabaligtaran ng imaheng alam ng anim kong anak. Imahe ng isang huwarang ina: malambing, maalalahanin at masipag na Ina. Isang Inang ni minsa’y hindi pinangarap magkaroon ng anak … ng pamilya.



Lumaki ako sa isang magulong pamilya. Pamilyang isinusuka ng lipunan. Callboy ang erpat ko. Nakadenggoy ng mayaman at sumama sa isang matrona. Ang ermat ko nama’y isang sugalera; mamasang at tagatinda ng marijuana. Dose anyos ako noon ng mabiktima ng kanyang kinakasama… at alam niya ‘yon. Ngunit, imbes na ako’y tulunga’t ipagtanggol ako, heto’t isa na rin ako sa kanyang mga talents. Tutal naman daw, doon at doon din naman ako babagsak. Iyak. Galit. Poot. Kung gaano karami ang mga lalaking nagpakasasa sa katawan ko, ay siya ring dami ng mga pagkakataong nagpapalaglag ako. Mga gabing inaatake ako ng aking konsensya. Konsensya buhat sa pagpapalaglag. Isa… dalawa… hanggang nagging hobby ko na. Eh  anong magagawa ko? Wala akong magandang buhay na maibibigay sa kanila. Buhay na ni minsa’y di ko natikman.. pamilyang ni minsa’y di ko naranasan. Hagga’t dumating sa buhay ko ang PAG-IBIG!



Ayoko ng bata. Ayoko ng responsibilidad. Ayoko ng pamilya pero, mapaglaro ang tadhana. Pinakilala sakin ang lintik na PAG-IBIG na yan! Ayon! Nadale.. nagkamali.. nadapa.. bumangon.. nagmahal muli.. namatayan naman! Naiwanan pa ng maraming anak. Pilit ko mang takbuhan ang nakaraan, di ko magawa. Isa syang multong nakadikit sa anino ko. Isang multong natutunan kong kaibiganin. Ngayon, naranasan ko ng maging isang INA na noo’y itinuturing kong isang SUMPA! Oo! Isa siyang malaking sumpa! Isang trabahong walang sahod, panghabangbuhay na responsibilidad at  isang krus na pasan-pasan ng mga kababaihan. Ngunit, sa mga naranasan ko, sa mga natutunan ko.. nalaman kong lahat ng yon ay isang.. mmmmm.. hindi totoo? Mmm.. Oo. Totoo siya pero hindi ganon kasama. Oo nga’t mahirap maging isang ina, yung tipong tagalaba ng dami’t panty ng mga anak mo, all-around-YAYA nila, tyutor na FOR FREE! Daig pa mga discounted item sa mga mall! Mahirap! Oo.. andoon na tayo eh. Pero mas mahirap kung ang iisipin mo eh yung mga responsibilidad chuvarloo, eklaboo. Mga walang kasawa-sawang drama sa buhay..  mga pang-telenovelang arte. Aaminin kong hindi ko pa alam ang eksaktong sagot sa lahat ng tanong mo, niyo, ko? O kaya nila. Pero ang sakin lang, iba yung feeling ng isang taong napakaraming pagkakamali sa buhay … pero ang role niya sa iba eh higit pa sa nakagawa ng isang libo’t isang milyong kabutihan. Yung tipong Makita ko lamang ang mga ngiti nila, ng mga anak ko, para bang nakakagaan ng kalooban. Yung tipong napapa”Haaaayy hallelujah! Salamat Bro!”, tipong napapaiyak ka sa tuwa dahil minsan an sa buhay mo,  ang magpalaki ng anak, ang buhayin sila, ang siyang natatanging tamang nagawa mo. Hindi naman lahat ng tama e nakakabuti at lahat ng mali ay masama dava? Alam kong mali ako.. isa akong malaking EKIS sa lipunan.. pero kahit isang PUTANG INA ako, masasabi kong kompleto’t masaya naman ako. Isang taong bingiyan ng pagkakataong maging tama sa pinakamaliit na pamamaraan man lang.

0 comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.

...


Pwede Ba - Soapdish Mp3
Musicaddict.com