"ANINO"
Tuesday, November 29, 20115:43pm Pauwi na ko ng mga sandaling yon. Hindi dahil ginabi sa kakadaldal ang guro namin kundi dahil sa pagbili ko ng paborito kong libro sa SM. Nilalakbay ko ang daang iyon patungo sa bus terminal. Dala-dala ang aking namumutok na bag, at ang kinalakhan kong whiteboard at pentel. Naglalakad ako sa eskinitang iyon ng ako’y mapatid sa isang malaking bato na sing laki ng mouse ng kompyuter. Dama ko ang pag-init ng aking mukha nang mapansin ko ang mga matang nakatitig sakin. Halos karamiha’y mga lalaking nakasuot ng puting polo at puting pantalon. Ako’y mabilis na tumayo at ipinagpag ang aking suot na bestida.
Sa muli kong pagtahak ng daan, nakita ko ang batang iyon. Maputi, mataba, maganda ang mukha maging ang suot na kamiseta. Kapansin-pansin ang aleng bumuhat sa kanya. Isang ale na sa edad kwarenta, nakapusod, at nakasuot ng duster. Sa gilid nito’y dalawang batang nagtatakbuhan at nagkukulitan. Sa aking tantiya ay nasa grade 1 o grade 2 ang mga ito. Habang karga-karga ng ale ang batang maputi, ay siya naming pahid nito ng maliit na kulay asul na bimpo sa katawan at mukha ng dalawang batang lalake. Nasa likod ako ng mga taong iyon na animo’y anino na nagbabantay. Bawat hinto ng mga bata ay siya namang hinto ng aking mga paa. Turo doon, turo ditto, tawa doon, tawa ditto, at sapakan doon, sapakan dito. Ayoko talaga sa mga bata lalo na sa mga edad lima hanggang patanda ng patanda. Ayoko sa ingay nila, sa awayan nila, sa tinis ng boses nila, sa mga nakakairitang iyak nila, at maging sa pagkakalat ng kanilang pinagkainan. Ang dalawang batang iyon, bagamat mga malilikot talaga, ay hindi naman nakakainis ang boses. Sa unang pagkakataon, nakadama ako ng pagkagusto sa mga bata. Naramdaman kong gusto ko silang hawakan, punasan ng pawis, pulbohan, punasan ang nagtutulong laway at ayusin ang kanilang mga damit ngunit, nagising ako sa isang malakas na ingay ng sasakyan. Nahulog ang bolang hawak-hawak ng batang maputi. Dinampot ito ng isa sa dalawang batang makukulit at pinunas sa uniporme nitong kulay putik saka inabot sa ale at sinabing punasan ang bola bago ibigay sa batang maputi. Agad naman itong kinuha ng ale at sinunod ang batang iyon na parang alipin ng isang batang emperor.
Malayo-layo rin ang bus terminal. Gayun din ang layo nang nilakbay ng apat na tao na yun. Tawanan, sermon at kulitan ang naririnig ko sa kanilang pag-uusap habang ang batang maputi ay matagal na tumitig sakin na parang nang-ki-kritiko ng kalahok sa Miss Universe. Maya-maya pa’y tumunog ang aking selepono. Kinuha ko iyon at binuksan ang mensahe. Siya namang rinig ko ng isang malakas na preno ng sasakyan. Mas malakas pa kesa sa narinig ko nung una. Sa hindi maipaliwanag na bagay ay napatingin ako sa apat na tao na yun. Ako’y natulala na mistulang isang batong pinako sa lupa. Dama ko ang pawis na namumuo sa aking noo habang ang likidong nagmumula sa aking mga mata ay unti-unting tumutulo. Nakita ko ang apat na taong iyon na kanina lamang ay masayang nagkakantahan at nagkukuwentuhan na ngayo’y nakabulagta sa lansangan. Pilit kong ginalaw ang aking mga paa’t binti. Sinagad sa lupa ang dalawang trianggulong pahabang kahoy na yun palapit sa kanila. Ni hindi ko na alintana kung nahulog ko nga ba ang aking selepono o kung nasaan ko nalagay ang aking namumutok na bag. Ang nasa isip ko lang, ay ang alingawngaw ng salitang “SAKLOLO!”. Agad kong kinuha ang white board at permanent marker sa aking tabi, at isinulat ang katagang “TULONG!”. Ngunit, hindi ata nila naiintindihan ang nais kong ipahiwatig kung kaya’t ako’y nagsisisigaw at pilit binubuo ang salitang “TULONG!”. Sa kasamaang palad, ni isang letra ay wala akong maibigkas liban sa ingay na kumuha ng atensyon sa mga taong naroroon. Buti na lamang at may nakaunawa, at naglakas-loob na tumulong. Binuhat niya ang dalawang bata habang ang ilang tao na naroon ay tumulong na ring magbuhat sa ale at sa batang duguan.
Hindi ko alam kung gano kabilis ang mga pangyayaring iyon. Namalayan ko na lamang na pati ako ay naidala na rin sa maputing lugar na yon. Sa lugar na hindi ko maaninag ang aking anino. Sa lugar na minsan ko ng napuntahan . Sa lugar na huli kong nakita ang aking mga magulang. Sa lugar na muli, ay puro katanungan lamang ang aking naririnig at tanging ungol lamang ang aking naisasambit. At sa gitna ng ingay na yon, naalala ko ang batang maputi na nakatitig sakin habang umiiyak. Naalala ko muli ang isang nakaraan, ang aking anino..
Por: Zaykismo | En: accidents, disabled, shadows, tragedy | 0 comments
"UNTITLED"
Sunday, July 31, 2011Did you ever fell inlove? Do you believe in love at first sight? How about first love never dies? If you'll going to ask me the same thing, I would rather kill myself than say EFFIN YES!
I'm a man-hater. I hate boys as well as having commitment with someone they called as BF/GF. I do believe that we live in here, without no one. We live and die with only by ourselves. We don't need to hang up our own prerogatives with someone just to say that its a must. Call me as whatever you want, but I'll say and keep on believing with that kind of "weird" thinking. Some say that I'm a devil in disguise. I love to make war, belittle people who are effin ugly, yell those weirdos and grade-conscious kids around.. I love making bad! And that will always be kept on their little fingy minds .. the minnie bitchy me. A bitch who keeps on finding some attention, whether good or bad; a bitch who still asking for a TLC factor with her parents; a bitch who's making a war but the rare is that, a girl who loves peace. A peace that will always be at hers when no one's around, when no one's believing, when no one but only herself clinging to her own conundrum.
I have my family: my workaholic Dad, business-oriented Mom, sluggish brother, outgoing sister and a super lazy maid. I have also my best friends (mp3, emo bear, fatty pussy and emotionless android) I live in a life with no one to talk to. I supposed to have a meal with my friends.. those who are there when I feel so down, my ever trusted guy friends. We drink together, cry for uncertain reasons, laugh for busting stories, and talk, talk and talk of trash things. All is a quite perfect to me. Perfect is what I can assume with this kind of life. What else am I going to ask for? I'm a girl with a golden platter, a mansion-built house, 3 cars and abig wide pool. I have money. I have my friends. I have guts! but.. still.. there's a question that keeps on roaring. Is this enough? Am I fulfilled? Am I happy? Am I .. fortunate? Its not an easy type of question. Even I use various of mathematical solutions nor different philisophies of Socrates and Aristotle, I will never ever answer those. But when I found someone, yes it is! I found SOMEONE! Someone who's brave enough. Someone who makes my perspective differ of what I used to be. Someone that I.. (sigh)
He's a sacristan; a third-year ECE student who used to play drums and guitar in our barangay's feast. He's awesome. A bachelor with a lot of futuristic plans. I knew it because he court me. The hell! how can a perfect man love with someone like me?! I can't still believe. But, for the first time, I thank God of what He gave to me. I know I'm not deserving but He still find ways to make me contented. Yes! I'm contented to have him. I'm starting to believe what I wouldn't and never been believed before. But that was just before! After 4 years, he flew and find his fortune abroad. He promised me one thing: He will marry me as soon as he arrioved. But that was just only illusion. He never come back. For once, I make believe on what they called LOVE. Its quite amazing. But if time would ask me to turn it back, I will change the way my life goes by. The way I used to be. The way I loved and being hated by them even him. Maybe he finally realized that we're not for each other. That he's far inch from me and I'm too different n his world. He's best and I'm worst, that's not a perfect combination.
I have a lot of mistakes. I used to get involved with drugs, gangsters, riots, war, even stealing and humiliate my parents.. my family. I made it without using my cleverness and just for the sake of getting other's attention. I thought that being me would be as simple as making them, people around me, loved the way I am nor accept the way I used to be. But then, I thank to God by having me here though, I'm lurking sack of sins in my back, I can say that He still loves me. He still there, I can feel it. He gave me someone that will help me to realize things. Someone who made me feel I'm worth loving for. As I just receive the news, that he's finally here, I was infuriated to think that he refused me; he deceived me but.. I stopped. As I read his letters to me in a mini golden box, my tears keep on falling. He never lied to me nor broke his promise. He died on his bed with his agonizing malady --- leukemia. He worked a lot to earn money for the two of us that's now a trash. (deep sigh). As I wrote this story, this brief love story of mine, I hope.. I hope I would see him again. I would say how thankful I am for having him; for making me a better person; for loving me. At last, I could say that a bitch like me, could be an angel, an angel with her loving guy, her ever loved.. her first love.
CUT-OFF! I hate drama.. and I don't need that. It will never help me anyway. My time was near and I need to accept it. Yes! we're destined. I have also a cancer.. this effin breast cancer. I know its not the story anyone would rather read.. but.. who cares? This bitchy will take her flight soon.. with her faith (I don't know if its true but I have to believe for once), her destiny (to take this and serve as punishment) and her .. her first love. I know his waiting. Somewhere, out there..
LESSON? mm is that necessary? well.. IDK! As long as I share my life to you, that would be enough.. enough for you to think things as I never did before. I'm not perfect.. even you. We're humanbeings and not human doings hence, it doesn't mean you need to do anything that are based in your own agnostic prerogatives. Remember: there's someone who keeps eyes on you.. beware.
Por: Zaykismo | En: bitch, love, teenage love | 0 comments
"BUS"
Nakatulala; nakapalong-baba; umaawit ng tugtuging pang'old school; nakasuot ng kupas na jeans at college shirt; habang ang buhok na tumatakip sa kanyang mukha ay mistulang koreana ang datingan. Nakita ko siya noon. Alam kong may gumugulo sa kanyang isipan. Alam kong may problema siya. Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos eh wala nang oras na hindi ko siya nakikitang masaya. Pagpasok mo pa nga lang ng classroom, maririnig mo na ang mataginting niyang tawa. Ang babaeng yon.. ang unang tao na tumawag sakin sa aking unang pangalan.. ang taong kinaayawan ko.
Umaga noon. Bagamat unang araw iyon ng aking buhay kolehiyo, nananatiling tikom ang aking bibig. Wala akong ibang napapansin kundi ang mahalimuyak na amoy ng pabango. Ang pabango na halos ikasuka ko dahil sa sobrang tapang nito. "Ano ba yan! Kababaing tao talo pa ang lalake kung magpabango!" bulong ko saking sarili. Nakakairita! Isama pa itong lalakeng katabi ko na feeling celebrity. Kulang na lang eh ipagsigawang "IBOTO NIYO KO CLASSMATES ha? ^^" ------------ Ayoko ng maingay! kaya siguro nakakapanggigil talaga kung naririnig ko ang boses niyang mala-Majin Boo. Weirdo. Oo weirdo ako. Ayoko ng maingay. Ayoko ng nonsense. Ayoko ng mayabang lalo na yung kung umasta kala mo mautak, hindi naman pala. Ayoko ng taong palatawa dahil hindi lahat ng problema tinatawanan. Ayoko rin ng mga taong madaya. Yung mga taong napakakapal ng .. kung tawagin ng iba.. "APOG". Ang dami kong ayaw pero lahat ng yun, maiengkwentro mo sa seksyong kinabibilangan ko.
"Ikaw ba si Marlon?" tanong niya.. sa kaswal na ayos.
"Yup. Why?" nasabi sa pagkagitla..
"aaah.. Marlon Javier right? ahmm... may relatives ka ba sa Bulacan? May kamag-anak ka bang Leslie? yung magaling kumanta?"
"Nope. Bakit?"
"aaah.. I see.. taga-Bulacan kasi ako. May ka-apelyido ka kasi samin. Kaya akala ko may relatives ka dun o kaya taga doon ka" mahaba niyang paliwanag.
"Ah. I see. Taga-Novaliches ako eh. Hindi ko kilala yung tinutukoy mo."
"Aah.. okey. Sensya na.^^"
Saglit na tumigil ang oras ng buhay ko. Hindi dahil sa na-love at first sight ako, (na talaga namang hindi ko pinaniniwalaan), kundi, dahil .. EWAN! Sari-saring emosyon ang naramdaman ko. Pagkagitla, dahil, siguro.. amm.. paano ba? dahil sa feeling close siya? mm.. OO! feeling close yung term na yun. Grabe. First day of school h nagagawa na niyang makipag-usap sa mga taong hindi niya kilala? siguro isa rin akong BOTO kung sakali mang siya'y tatakbo ng pagka-presidente. Tsk. Mga tao nga naman. Bakit kailangan pang gumamit ng kapwa nila para sa sariling kabutihan? Tsk. Pero kung tutuusin, may mali ako. Ewan ko kung mali ba, pero, masasabi kong, para sa ikakabuti ko din yun. Sinabi ko kasing hindi ko kilala yung taong tinutukoy niya, kahit ang totoo, eh, TOTOO naman talaga. Pinsan ko si Ate Leslie. Wala akong ate kaya para sakin, siya ang biological ate ko. Sana lang hindi niya malaman yun.. na ate ko ang Leslie na kilala niya. Kung hindi.. tsk.
Akala ko, yun na ang huling pakikipag-usap ko sa taong mala-bakla ang aura. Sa totoo lang, hindi ko naisip na hahantong siya sa ganito. Dati kasi, nung first year - first sem, eh parang gangster ang datingan niya. Biruan mo namang magsuot ng maluwag na t-shirt at magsuot ng kupasing pantalon? anong iisipin mo? kung hindi, gangster eh, aakalin mo siyang may fraternity. Tsk. Nakakaloko! Ngayong 2nd year na kami, heto't model-modelan naman ang trend niya sa buhay. De-heels, de-pilantik ng daliri, de-makeup, de-kolores ang suot at.. ano pa ba? bukod s mukha e wala ng nagbago sa kanya. MAINGAY pa din siya sa harap ng mga kaibigan niya at tameme sa harap ng mga Prof namin. Ilang beses ko na rin siya naging kagrupo sa iba't ibang activities, projects, at subjects. Masipag naman siya, maaasahan, pero kulang. Nakukulangan ako sa effort niya. Mali-mali pa taktika niya sa pag-aaral at.. ang matindi.. na lagi naman komento ng iba pa naming classmate.. lagi siyang LATE! kahit na ata pang-hapong subject namin eh kinaleleytan pa niya. Pero, kahit nagka-tres siya sa history, nagka-inc sa iba pang subject, ayon at lagi ko pa din siyang nakikitang nakatawa.At kung makatawa siya, wagas na wagas na parang bading! kaya walang taong hindi mahahawa sa tawa niyang parang trumpeta sa tenga. Maliban na lang kung tulad kita na hindi natatawa sa ganon kababaw na istilo.. but sooner, napapansin ko ang unti-unting pagbabago sa sarili ko mula ng mapalapit ako sa kanya.
Lumapit siya sakin noon. Sa mga oras na yon, kausap ko ang isa sa mga kaibigan niya. At dahil nga shy-type ang turing niya sakin, eh, ganon na lamang namilog ang mga mata niya. Napatakip ng bibig at gumawa ng issue. Nakakainis! napakahilig niyang gumawa ng issue! Yung tipong pang-showbiz talaga! Maraming issue na ang nagawa niya.. mapablind item, editoryal at news head, lahat pumapatok sa mga daldalera. Nagkaaway na rin kami before. Hindi dahil sa issues, kundi, dahil sa panghahablot niya ng paborito kong damit. Yun ang unang beses na nag-away kami. Away ng maituturing yun dahil sa isang buong semestre eh, hindi kami nagpansinan. Ni "hi", "hello", ngiti eh wala. Mag-uusap kami ngunit isahang salita lang ang sagot. Pero syempre, lalake ako at ayokong ituring na kaaway ang isang babae kaya, ako na ang unang gumawa ng move. Binagyan ko lang siya ng malupet na jokes, na ewan at tumawa siya ng lubusan kahit na ako, sa sarili ko ay nagulat na ganon lang pala kadali na patawanin siya. Nagkatawanan kami. Nagkausap-usap ng mga bagay bagay nang bigla siyang humirit ng SORRY. Hindi ko inaasahang marunong din palang mag-sorry ang ma-pride na yon. Sa simpleng salitang iyon nagsimula ang closeness namin. Kung gaano siya natawa sa mga mais kong jokes, eh ganoon din siya humagulhol sakin ng mabigyan ko siya ng payo. Marami na kong alam sa kanya. Ikaw ba naman, padaanan ng journalistic GroupMessage via SMS, ewan ko lang kung hindi mo masubaybayan ang buhay niyang mala-roller coaster. Para siyang bukas na libro na nagsusulat ng sarili niyang kuwento. Kada pahina, iba-iba ang bida, kada tsapter, milyon ang moral lesson. Nakakatuwang isipin na kung sino pang kinaiinisan ko eh siya pa palang magiging closest friend ko.
Dito sa bus.. sa bus na suki na niyang sakyan. Ang lugar na kung saan, nalaman niyang pinsan ko si Ate Leslie; ang sasakyang minsan ko na nga lang sakyan eh siya pang nakakasabayan; ang sasakyang nagpapaalala sakin ng lahat ng tungkol sa kanya; ang munting lugar na kung saan, una kong nalaman ang problemang pumapatay sa kanya. Problemang nagpasuko sa kanya. Problemang tumalo sa lahat ng determinasyon, diskarte, motibisyon at kaligayahan niya. Hindi ko alam kong matutuwa nga ba ako dahil sakin niya unang sinabi ang problemang yon. Matindi pa sa incomplete grades, terror profs, 3 sa history, at expectation ng parents niya.. ang sakit na LEUKEMIA. Sa huling pagkakataon, ginawa na naman niyang sirko ang pag-ikot ng buhay ko. In short, MIXED EMOTIONS. Natutuwa akong malamang sakin niya sinabi iyon pero laking lungkot ko dahil .. yun na din pala ang huling sekreto na masasabi nya sakin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ng mga oras na yon. Hindi ko alam kung anong tactics ang nararapat sa sitwasyong iyon.
Sa tatlong buwan ng chemotheraphy niya, ang dating chubby na pangangatawan, eh ngayo'y naging buto't balat na lang. Wala na ' kong balita tungkol sa kanya mula ng gabing iyon na nagkausap kami sa bus. Hanggang isang text ang natanggap ko.. wala na siya. Labis akong naapektuhan. Pigil ang luha ko habang binabasa ang ginawa niyang tula para sakin. Alam niyang misteryoso ako. Ni hindi niya alam ang araw at taon ng kapanganakan ko pero magpaganun pa man, hinanda niya pa rin ang regalong iyon para sakin. Nakakatuwa. Hindi ko inakalang i-a-appreciate niya ang existence ko sa mundo.. na kahit ganito ako, eh tinanggap at minahal niya kung anong meron ako na kailanman, hindi nasagi sa isipan ko. Ayoko kasing mag-assume at mag-expect. Pero sana.. kung nasaan man siya, sana malaman niya ang nilalaman ng isip ko ngayon.. mga salitang ayokong bigkasin at aminin.. mga katagang alam ko na alam niya kung anong ibig sabihin.. sa tema at paksa ng istoryang ito. Sana lang, sa biyahe niya papuntang langit, makadaan man lamang siya sa computer shop para mabasa ito at ipabaon ito sa kanyang alaala.
Por: Zaykismo | En: BUS story, love, teenage life | 0 comments
"VIRTUAL CLAN"
APRIL 14, 2010
At sino ba ang hindi makakalimot sa araw na ito? Dito lang naman nag-start ang pagfoformulate ko ng aking diksyonaryo. Ang ordinaryong araw na ni minsan, ay hindi ko inexpect na magiging memorable pala. Ang araw na naranasan ko ang mga bagay na "first time", na lingid sa iyong maduming pag-iisip! >:(
Ito ang araw na muli kong naisipang gawin ang paggawa ng isang kalokohan.. ang aking pang-limang VIRTUAL CLAN.. Isang clan na inisip kong lalahukan ng mga "EXOTIC" pipolets.. Isang clan na .. mm.. WALA LANG.. Just for the sake of having fun FUN. Eh yun naman talaga ang essence ng clan dava? Clans were made to fullfil others' enjoyment of their WILD HANDS! Sa iba, ang clan ay parang isang dating show na kung saan para ka lamang nagsaSWAP ng cellphones kung magpalit ng jowa. Para sa mga matatanda, ito'y samahan ng mga adik magteks; para sa mga bata, ito'y isang box ng mga kakaibiganing tao at the same time, tulad ng nauna, makapaghanap ng jowa. Marami ng nagsabi nyan at marami na rin ang nag-eexpect palang ng ganyan. Pero ako? WALA LANG. Gumawa lang ako ng clan para.. at dahil.. WALA LANG. Pero ang WALA LANG na ito pala ang magbibigay sakin ng maraming learning sa'king buhay teenager.. Ang dalawang salita na nagbigay sakin ng napakaraming halaga.. ng pagpapahalaga.
Isang clan. Isang samahan na sinalihan ng iba't ibang uri, antas, mukha, lahi, ugali, at.. ano pa ba? aaah basta! VARIOUS TYPES OF PEOPLE! Isang pambatang clan na ang miembro ay isip.. ah basta! iba iba ang pag-iisip! Sa limang clan na nagawa ko, e, itong clan lang nato ang naging memorable sa buhay ko.. dahil dito ko nameet ang:
..mga taong nagpasaya sakin
..mga taong nang-away sakin
..mga taong feeling close kahit nagtataray nako
..mga taong nagtiyagang makipag-usap sakin kahit puro tawanan na lamang kami
..mga taong nagtiyaga sa ugali at pinagtiyagaan ko ang ugali dahil sa salitang KAIBIGAN
..mga taong nang-SURPRISE at kumumpleto ng 19th bday ko
..mga taong nang-tokshit sakin! (well, forget about this >,
..mga taong nagpaiyak sakin sa hindi malamang rason
..mga taong nagpaiyak ulit sakin dahil sa salitang "I QUIT"
..mga taong hinamak ang pagkatao ko
..mga taong inidolo ako
..mga taong. tinest ang aking pasensya
..mga taong nagturo saking magmamam (lalo na yung ISA jan! yung TANGGERO LAGI! ;D)
..mga taong first time ko lang nakaGEB/MEB/EB. sa tanang buhay ko
..mga taong nagpatahan sakin nung umiiyak akong lasing at kahit ako'y hindi lasing lalo na kapag pinapagalitan ako ng parents ko
..mga taong nakaalitan ko dahil sa mga pagbabagong nangyari sa buhay ko
..mga taong MAS mapride kesa sakin
..mga taong MAS maepal kesa sakin
..mga taong MAS moody kesa sakin
..mga taong MAS lantaran ang ugali kesa sakin
..mga taong MAS weak at MAS malakas kesa sakin
..mga taong iniipit ako sa dalawang nag-uumpugang bato
..mga taong lihim kong inibig (ayieeeeeeeeeeeeee :3)
..mga taong lihim din pala akong tinatangi (mas ayieeeeeeeeeeee :3)
..mga taong matagal ko nang namimeet sa lansangan, sa school, sa barangay na sa CLAN lang na ito ko nakilala
..mga taong sa una lang tumagal
..mga taong sa TEXT lang umaangal
..mga taong kahit in person ay garapal
..mga taong hanggang ngayon ay nagtagal
.. at mga tao na SANA, hanggang pagtanda ay laging nariyan
Sa dinamirami ng mga nakilala ko, natutunan ko, naranasan ko, iisang salita lang ang maaalala ko. Sana sa ilang buwan, araw, oras, minuto at segundo ng pakikipagtekstan natin, eh nagkaroon ng puwang sa inyong memorya ang salitang "EXO" na minsan nang naging parte ng inyong mga kahon sa selepono. Salamat sa experiences and memories mga tropa ko..
PS. HAPPY ANNIVERSARY phoewsxz! Sana kahit walang CLAN eh hindi niyo ko makalimutan.. yung bonding.. yung textivity and so fort ^^, ingaTCGB
Por: Zaykismo | En: virtual clan | 0 comments
WRONG SEND..
Hindi ako mahilig maglaro o magsurf sa mga Social Networking Sites. Panganay ako sa anim na magkakapatid and serves as their parent. Yup! were left alone. Ulila na kami both sides. 3rd year IT student sa umaga, waiter sa gabi plus additional repair job every weekends.. ALL-IN-ONE PARENT ika nga. At dahil mabilis ang pagtakbo ng henerasyon, nakibagay at umayon ang daily routine ko sa advanced technologies ng mundo. Isa na doon ang CELLPHONE. Hindi ko hilig ang magpipindot, magtext o magtatatawag pero dahil kay Alena, katrabaho ko, natuto ako. Si Alena, some of my colleagues, at mga kapatid ko.. Sila at sila lang ang bidang karakter sa munti kong gadget.. bukod doon, wala na hanggang makatanggap ako ng isang mensahe..
"WRONG SENT" sabi ko. Isang napakahabang text message na puro kadramahan. Kung titignan, isang demanding at egotistic ang sender na yun na para bang siya lang ang may problema sa Earth. Gusto ko sana siyang replayan, bigyan ng advice, at i-comfort, ngunit, wag na lang.. saka na lang. Nagdalawang isip ako baka kasi tarayan ako o masabihan pang busybody or a gossiper kaya .. pinabayaan ko na lang. Ilang gabi pa ang nagdaan, namalayan ko na lang ang sarili kong nagbabasa ng kanyang mga telenovelang GM. Nakakainis, nakakatuwa, nakakalungkot, nakakaiyak, nakakatawa ---------- yan ang tema ng GM's niya na ewan at may kung anong bagay nahumihila sakin upang basahin iyon isa-isa. Naging hobby ko na nga ang pagbabasa ng GM's niya pagkagaling ng school at work. Para na rin akong nakasubscribe sa TXT ZONE ng isang buhay-artista hanggang.. dala ng curiousity, nai-text ko ang isang tanong.. mm.. marapat siguro kung sasabihin kong isang command.. "DESCRIBE YOURSELF NOT BY APPEARANCE."
Suwerte nga siguro dahil nung mga araw na yun, eh nasumpungan kong hindi siya badtrip. Hindi ako napahiya. Sinagot niya ang text na yon. At dun nagstart ang precious friendship namin. Hindi nagtagal at naging CLOSE kami. Nagkakilala ng malaliman hanggang dumating sa point na higit pa sa kaibigan ang turingan namin sa isa't isa. M.U. o Mutual Understanding na nauwi sa Mahigit pa sa Understanding. Isang pagkakaibigang nauwi sa isang relasyon. Gustong-gusto niyang mag-meet kami kaso ayoko. Busy ako sa trabaho, hectic ang schedule at family-oriented ako. At lahat ng reasons ko eh nauunawaan naman niya at pabor din naman sa kanya. Maswerte ako sa pagkakaroon ng tulad niya. Isang maaalalahanin, sweet, matalino, sociable, matino at walang bisyong babae. NBSB pa! All-in-one package ika nga. Hindi naman sa ayoko siyang makita o kaya'y wala akong time para makasama siya, pero, may mga bagay ang pumipigil sa'kin. Mga kadahilanang bumabagabag sa'kin. Isa na roon ang TAKOT.. Takot ako sa maraming bagay, sa maraming di mapaliwanag na dahilan and one of my reasons kung bakit takot ako ay dahil sa.. MAHAL KO SIYA. Oo magulo ngunit may ilang bagay na sadyang hindi ko kaya at di ko kakayanin na sabihin sa harap niya dahil sa mahal ko siya at ayokong masira ang lahat ng pagmamahal at tiwala niya sa'kin dahil hindi ko kaya. Hanggang sa umabot kami ng isang taon..
APRIL 15, 2006. First Anniversary namin. Ang araw na kung kailan, malalaman na niya ang dapat niyang malaman ngunit, sa araw na yon, ni isang hi o hello ay wala. Kahit GM o greetings ay wala rin. Mahigit singkwentang text messages na ang nasend ko ngunit ni isang reply ay wala talaga. Naghintay ako. Nag-alala. Natuliro. Nagsimula na 'kong matakot. Baka ito na ang kinatatakutan kong part.. ang iniiwasan kong scene ay marahil, nagaganap na.
11:58 PM .. nagtext siya. Isang "SORRY." ---------- all caps at isang malaking tuldok lang ang natanggap ko kasabay ang mensaheng sadya kong ikinagimbal..
"I'm SORRY. I'm really, really, really SORRY kung pinatagal ko pa ang bagay na to. Di q namalayan ang lht. Lht ng pgkakamali q. Lht ng kabulagan q.. sa TAMA at DAPAT.. Ngng tanga aq.. ngng sakim.. aamin na q.. dhl ayoko ng lokohin ka pa.. "BI" aq.. 3RD SEX! GAY! BADING! Alagad ni BEKIMON! Sorry if niloko kta 4d whole time! pero sa lht ng kacnungalingan q, isa lng ang totoo.. MAHAL KTA! Slmat sa lht lht! Sa alaala.. sa saya.. sa advice.. I'll never 4get u.. TC always.. I love you.. GOODBYE"
SPEECHLESS. Nawala panandalian ang isipa't katinuan ko,. Di ko alam kong matutuwa ba ko o magagalit. Matuwa dahil pareho kami ng kalagayan o magagalit dahil pareho kaming nagkalokohan. OO! Isa rin akong BISEXUAL! LESBI! TIBOLI! o mas popular sa katawagang TOMBOY! Pusong ADAN sa katauhan ni EBA. Isang babaeng napamahal sa inaakalang KAPWA. Nagpakasakim ako sa pag-ibig. Nakakatuwang isiping bibiruin ako ng ganito ng tadhana. Isang birong tagu-tagusan sa buto maging sa kaluluwa.. isang birong di ko makakalimutan.. ang aking FIRST LOVE!
Apat na taon na rin ang lumipas, natutunan kong kalimutan ang nakaraan, at ngayon, sa pinakamemorableng araw ng kapatid ko, ang Graduation Day, ang dahilan ng muling pagbabalik ng multong pilit kong inalis sa realidad kong mundo. Muling nag-krus ang landas namin sa pamamgitan ni Alena. Magka-batch ang mga kapatid namin kaya't napasama ako sa selebrasyon nila. Tulad ng dati, hindi pa rin ako sanay sa mga party at lugar na maraming tao. Lumabas ako. Sa terrace. Sa malamig na simoy ng hanging humampas sa'king mukha, ay may munting musika ang tilang naglalaro sa'king pandinig. Isang pamilyar na kanta.. kanta buhat sa boses ng isang lalake. Lumingon ako. Isang lalakeng naka-headset ang kumakanta ng awitin na pilit inaalala ng aking isipan. Lumabas noon si Alena. Hinampas-hampas at kinulit-kulit ang lalake na noo'y napansin din sa wakas ang aking presensya.
"Oh Max! Andito ka pala. Nakoo.. ngapala.. I want you to meet my long-lost-friend, Miel. And Miel, She's my long-lost-colleague, Maxene.. she used my sim before.. so I guess.. imposibleng hindi kayo magiging magkatxtmate nun dahil you really love to send GM's in your PB. Well, maiwan ko muna kayo ha? I need to prepare your favorite SPAGHETTI ^^v hehe.. good thing.. favorite din yun ni Max :)"
Matapos nun, umalis na si Alena at inwan kaming nakatitig sa isa't isa. Pagtataka, katanungan at pagkawalang emosyon ang rumehistro saming mukha. Walang makuhang salita.. ni a,e,i,o,u ay wala. Hanggang tumunog pareho ang aming mga selepono..
"REMINDER: HAPPY 4TH ANNIVERSARY MY 1ST LOVE!"
Por: Zaykismo | En: break-ups, emo, love, nothing lasts, teenage love, teenager, text, third sex | 0 comments
Powered by Blogger.
...
Pwede Ba - Soapdish Mp3
Musicaddict.com